Arestado ang dating police asset sa buy-bust operation sa San Juan City, nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Romeo Royo, alyas Miyo, 53, ng 22 F. Manalo Street, Barangay Batis, San Juan City.
Sa ulat ng San Juan City Police, na pinamumunuan ni P/Col. Ariel Fulo, inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa Blumentritt St., Bgy. San Perfecto, bandang 6:10 ng umaga.
Bumili ng shabu ang poseur-buyer kay Royo, at nang maisagawa ang transaksiyon ay agad na inaresto.
Nakumpiska sa suspek ang isa pang pakete ng umano’y shabu at buy-bust money.
Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
-Mary Ann Santiago