Maghihigpit pa ang Department of Transportation at MRT sa ipinatutupad na seguridad sa mga istasyon ng tren, makaraang maaresto nang makumpiskahan ng mga bala ang isang pasahero sa North Avenue Station sa Quezon City.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Inaresto ng pulisya nitong Miyerkules ng umaga, sa North Avenue Station southbound, si Don Ray Adina, 36, matapos na ma-detect ng baggage scanner na may dala itong mga bala sa kanyang backpack.

Nang inspeksiyunin ang bag ng suspek, nakumpiska umano ng mga guwardiya ang isang magazine at walong piraso ng bala ng .10mm caliber.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakapiit na si Adina sa Philippine National Police-Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) at kakasuhan ng illegal possession of firearms na may paglabag sa gun ban.

“The DOTr-MRT-3 assures the public that the incident will not be taken lightly,” anang kagawaran.

-Mary Ann Santiago