ILANG taon na bang nakabimbin ang pagsasalin sa pelikula ng Star Cinema action drama fantasy series na Darna? Sila ang nabigyan ng rights ng pamilya Ravelo. Ang lumikha ng fictional superheroine ay si Mars Ravelo at naiwan sa pamilya niya ang pagbibigay ng rights kung sino ang gagawa nito, mapa-telebisyon o pelikula man.

Marian bilang Darna copy

Ang huling gumawa ng Darna ay ang GMA Network noong August 2009 at ang final episode ay noong February 9, 2010. Si Marian Rivera ang gumanap sa role ni Darna.

Pero hanggang sa ngayon, after ni Liza Soberano, na siyang napili ni Direk Erik Matti na gumanap bilang bagong Darna, wala pang napipili ng halili ang siyang magdidirek ngayon na si Jerrold Tarog. Muli nga silang nagpapa-audition ng posibleng magiging Darna, pero wala pa ring balita, maliban sa baka raw si Nadine Lustre na ang mapipili nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabasa namin ang comment na ito sa Instagram, may katuwiran kaya sila kung bakit wala pang makuhang gaganap na Darna sa movie version nito?

Ayon kay @dodongipoy: “Sa pagiging Darna, para maging perfect ka sa role, dapat may taglay kang super super ganda, super kinis, super fit, super lakas ng appeal! Si Marian Rivera lang talaga ang nagtataglay lahat ng mga katangian na ‘yan, na wala ang kahit sinong actress! Sa lahat ng aktres, siya lang ang complete package! Kahit itanong n’yo pa sa mga Ravelo. Kahit sino pa mapili, hindi kayang pantayan o higitan ang nag-iisang Darna sa puso ng mga Ravelo! #realtalk”

From @georgelimgarcia: “I think kaya nahihirapan sila sa pagpili kasi ‘yung huling gumanap na Darna which is Marian Rivera ay mahirap higitan kahit pagsama-samahin pa ang artista ng ABS CBN. ‘Di nila kakayanin ang nagawa ni Marian Rivera as Darna #Realtalk lng.

Twenty five years old, 5’1” ang height ni Marian nang gawin niya ang Darna in 2009. Pero kitang-kita talaga noon pa na super-fit nga kay Marian ang role ni Darna. Ito ay pagkatapos niyang gawin ang first teleserye niya sa GMA, ang Marimar noong 2007, na sinundan ng Dyesebel noong 2008.

-NORA V. CALDERON