MAY hidden “physics” o mechanics sa likod ng public life ng mga artista at ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi masyadong nalalaman ng publiko ang interaction na ito ng support groups sa likod ng mga artista at ng iba pang mga personalidad sa politics, business, sports, at iba pang sektor pero namamasdan ito ng journalists na pinahihintulutan nilang patuluyin sa kanilang personal na buhay.
Ilang taon na ang nakalilipas, nagpadala ng mensahe sa akin si Daddie Wowie Roxas, discoverer, mentor at business manager ni Isko Moreno. Kinumusta niya si Kris Aquino, na sa tagal ng hindi nila pagkikita ay iniisip niyang baka hindi na siya kilala o naaalala.
Nang iparating ko ito kay Kris, natuklasan ko na may malalim at maganda pala silang pinagsamahan simula nang magkatrabaho sila ni Glydel Mercado, na alaga rin ni Daddie Wowie.
Nagkakapalitan ng messages at suporta sina Kris at Daddie Wowie sa pamamagitan ng inyong lingkod, na ang huli ay nitong nagbibilangan na ng mga boto:
“I-congratulate natin si Daddie Wowie. DOUBLE ang boto nila!” message ni Kris.
“Wow Dindo, salamat, tell Kris (tatlong heart emoji)” reply ng famed talent manager. “Can you ask Kris kung puwede siya magbigay ng inspirational message niya for Isko, pleaseee... Love ni Isko siya, I’m sure matutuwa si Isko coming from her.”
Kahit naka-bed rest at nagpapagaling sa mga pasa sanhi ng pagkakatumba sa kuwarto, sumulat si Kris. Naririto ang hinihiling na inspirational message ni Daddie Wowie, agad kong ipinagpaalam kay Kris na ilalabas ko rito sa Balita:
“Hindi ko ide-deny na mataas ang respeto ko sa dalawang nakalaban ni Mayor-elect Isko. Pareho silang naging matalik na kaibigan ng mom ko. Buo pa rin ang mataas na pagtingin ko kay President Mayor Erap & Mayor Lim. Pero bata ang bansa natin.
“Sa huling research ko, ang median age ng ating population ay nasa 24 years old. Ang laking lamang nu’n kumpara sa economic superpowers ng Asia tulad ng Japan, China, and South Korea.
“Ang ganda ng renovation at buffet ngayon sa Manila Hotel. Pero ang dami pang puwedeng gawing tourist destinations -- sa Bangkok naging must visit ang Chatuchak na puwedeng-puwedeng magawa sa Divisoria, sa Taipei meron silang nightly food market, ‘pag nagpunta sa Europa iniikot ka sa different places of worship -- kumpleto sa Maynila ang Catholic Church, Chinese Temple, Muslim & Hindu places of worship... marami na kaming walking tours na nagawa abroad ‘pag medyo palubog na ang araw ‘tapos dadaan sa 3 or 4 na restaurants para tumikim ng pakonti-konti ng mga special dishes ng lugar.
“Hindi mapapahiya ang Pinoy dahil hindi tayo mauubusan ng chika. Siguro dahil Gen X pa si Mayor, alam niya ang importance na magkaroon ng clearly marked INSTAGRAM-able spots. Dahil ngayon kung hindi nai-post, hindi nangyari. Hindi yata fair na ang bulk ng tourists kung nasa Metro Manila, Parañaque at Pasay ang inuuna. When Manila is the richest when it comes to history.
“Lumaki si Mayor Isko sa Maynila at hangarin niya na mapaganda at mapaunlad ang kanyang pinagmulan. One man alone cannot do it, and as a Filipino I believe Manila is symbolic of the Philippines. Masuwerte akong tumira sa Arlegui mula 1986 hanggang 1992. At kung gusto ni Mayor Isko nagvo-volunteer na akong mag-host ng VISIT Manila & Welcome to Manila AVP na puwedeng i-upload sa FB para maengganyo ang mga balikbayan pati na ang mga millennials na lalong makilala ang capital city ng ating bansa.
“Mayor Isko has the unique opportunity to make all of us see Manila through fresh eyes, and eyes that truly love his city. His is an inspiring life story that can very well mirror the resurrection of Manila to the glory she deserves.
“He can also become our first truly environmentalist mayor -- dahil ang Obama White House nagamit nila ang mga gardens para magtanim ng gulay, hindi ko alam kung may puwesto sa Rizal Park para gawin ito pero maraming maliliit na ‘playground’ na napabayaan na.
His overwhelming mandate of support gives him the liberty to create innovations that will make a lasting impact and that is also the gift of youth -- you still have the time and passion to make a true change for a better & brighter Manila and ultimately, a Philippines we deserve.”
-DINDO M. BALARES