Nag-iimbestiga na ang Commission on Elections kaugnay ng umano’y pagboto ng ilang Indonesians sa Davao Occidental nitong Lunes.

SA’N PANGALAN KO? Hinahanap ng babae ang kanyang pangalan sa voters’ list na nakapaskil sa labas ng polling precinct sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City nitong Lunes. (KEITH BACONGCO)

SA’N PANGALAN KO? Hinahanap ng babae ang kanyang pangalan sa voters’ list na nakapaskil sa labas ng polling precinct sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City nitong Lunes. (KEITH BACONGCO)

Ayon kay Comelec-Davao Region Director Atty. Michael Abas, inatasan niya si Rosalina Natividad, election officer sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, na siyasatin ang katotohanan sa umano’y pagboto nitong Lunes ng ilang Indonesian na nakatira sa Sarangani Island makaraang magawa ng mga itong magparehistro.

Naiulat na malayang nakaboto ang mga ito matapos umanong makapagrehistro bilang mga botanteng Pinoy.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nauna nang humingi ng tulong sa Comelec ang Bureau of Immigration (BI) upang imbestigahan ang insidente.

Hiniling na rin ni Sarangani Alien Control officer Joyce Kandice Villaraza kay Natividad ang listahan ng mga botante sa munisipalidad upang magsilbing reference ng mga ito sa pagtukoy sa mga lehitimong botante.

Mayroong 3,000 Indonesian, na tinatawag na “Maruri”, ang kasalukuyang naninirahan sa munisipalidad ng Sarangani, na nasa hangganan ng Indonesia at Pilipinas.

Ang mga nasabing Indonesians ay ilang dekada nang nasa isla sa pamamagitan ng migration, habang ang ilan ay nakapag-asawa ng Pilipino.

Ayon sa BI, ang mga undocumented Indonesians na ito ay nakakuha ng mga dokumento na magpapatunay sa kanilang pagiging Pilipino, tulad ng voters’ registration at mga ID bilang mga benepisyaryo ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni Villaraza na tumanggap ng reklamo ang BI mula sa mga law enforcement agencies kaugnay ng presensiya ng mga Indonesian sa ilang lugar sa Mindanao na nagpapanggap na mga Pilipino.

-Joseph Jubelag