KABUUANG 200 kabataan ang lumahok sa Barangay 76-A Summer Futsal Clinic na sinimulan nitong weekend sa S.I.R. Phase 1 Gym sa Matina, Davao City.
Pinasinayaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang payak na opening program na sa unang pagkakataon ay isinagawa sa barangay.
“Ito ang nais ng Pangulong Duterte, mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mga kabataan sa mga probinsiya higit sa mga barangay,” pahayag ni Maxey.
Ang mga kalahok ay nagbuhat sa mga bayan ng S.I.R. 1 and 2, Kabacan, Times Beach, Bucana at sa Isla Verde.
Pinangunahan ni PSC coordinator sa nasabing lalawigan na si Melchor P. Anzures na siya ring coach ng Davao Aguilas Football Club (FC), ang nasabing summer clinic na sinuportahan naman ng Davao South Regional Football Association, Football for Humanity and Maharlika Sports Foundation, Inc. sa pakikipagtulungan ng Barangay 76-A officials led by barangay captain Rolando Trajera.
Matapos ang nasabing sports clinic ay magsasagawa naman sina Anzures ng dalawang araw na torneo sa Mayo 22 at 23 upang malama kung sinu sino ang mga lalahok sa mismong kompetisyon na magaganap sa Mayo 24.
Magaganap naman ang awarding at closing ceremonies ng nasabing kompetisyon sa Mayo 25 kung saan inaasahan na dumalo si PSC Chairman William “Butch” Ramirez bilag panauhng pandangal.
-Annie Abad