KUNG suwerte sa pagiging public servant si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, iba naman ang kapalaran ng ex-husband niyang si Edu Manzano, na ‘tila mailap ang kapalaran sa larangan ng pulitika. Makailang ulit nang kumandidato at nabigo si Edu sa kanyang pangarap na makapagsilbi sa bayan.

[gallery size="medium" columns="2" ids="339248,339249"]

As of May 14, tiniyak na ang panibagong termino ni Vilma bilang representative ng Sixth District (Lipa City) ng Batangas. Kahapon din, a day after election, as of 8:42 am, base sa partial and unofficial results, si Vilma ay nakakuha ng 87,932 votes; habang ang kanyang katunggaling si Meynard Sabili ay mayroong 55,646 votes.

Samantala, nabigo si Edu sa kanyang congressional bid sa lungsod ng San Juan City, nang talunin ni Ronny Zamora.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mula nang pumasok sa pulitika si Vilma noong 1998 ay hindi pa siya natatalo sa eleksiyon. Tatlong termino siyang nanungkulan bilang mayor ng Lipa City, mula 1998 hanggang 2007. Kasunod nito,tatlong termino din siyang naging gobernador ng Batangas, mula 2007 hanggang 2013.

Nang matapos ang kanyang ikatlo at huling termino bi l ang Ba t anga s gove rnor noong 2013, s inubukan niyang tumakbo bilang kongresista ng lalawigan, at nanalo na naman siya.

Tulad ni Vilma, t a o n g 1 9 9 8 di n sumabak sa pulitika si Edu. Tumakbo siyang vice mayor ng Makati City at naging overwhelming ang kanyang pagkapanalo.

Noong 2001, tumakbo siyang mayor ng Makati, ngunit tinalo siya ni Jejomar Binay.

Noong May 2010 elections, kumandidato siyang vice president, bilang running mate ng presidential candidate na si Gibo Teodoro, ngunit muli siyang tinalo ni Binay sa vice-presidential race, kung saan panglima si Edu.

Taong 2016, Senado naman ang inasinta ni Edu, pero hindi rin siya pinalad.

-Ador V. Saluta