HINDI lang masaya s i Aiko Melendez ngayon para sa pagkakapanalo ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun bilang bagong bise gobernador ng Zambales, labis din siyang natutuwa dahil nanalong mayor ng Pasig City si Vico Sotto, na anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.

Mayor Vico

“Tuwang-tuwa ako, kaya tinext ko si Tita Coney, eh,” sabi ni Aiko nang banggitin naming malaki na ang lamang ni Vico sa kalaban niya nito pa lang Lunes ng gabi.

Nasulat namin dito sa BALITA na mala- David and Goliath ang labanan sa pagka-mayor ng Pasig, dahil tinapatan ng 29-anyos na si Vico ang pamilya Eusebio, na 27 years na nanunungkulan sa siyudad.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Naalala naming nabanggit ni Vico na wala siyang planong tumakbong mayor, pero dahil na rin sa kahilingan ng mga taga-Pasig na naghahangad ng pagbabago ay lakas-loob niyang binangga si incumbent Mayor Robert ‘Bobby’ Eusebio, na anak ng dating mayors na sina Vicente ‘Enteng’ Eusebio a t Sol eda d Eusebio. Naging mayor din noon si Ms Maribel Eusebio, asawa ng mayor na papalitan ni Vico.

As of this writing (2:10 am) ay iprinoklama na si Vico bilang bagong halal na mayor ng Pasig. Ang agang regalo ito para sa binata, dahil magdiriwang siya ng kanyang 30th birthday sa Hunyo 17.

Na g i n g n umb e r one councilor si Vico sa District 1 ng Pasig City, at matagumpay na isinulong ang Pasig Transparency Ordinance, na kauna-unahang lokal na batas para sa Freedom of Information sa Metro Manila.

Naging volunteer din si Vico sa office ni Rep. Roman Romulo, na nanalo sa panibagong termino ngayong halalan.

Anyway, nai-imagine namin kung gaano kasaya ngayon ang mga magulang ni Vico na sina Vic at Coney.

-Reggee Bonoan