“ZAMBALES has a new vice governor! Named Jay Khonghun. He just made a history! Never lost a single barangay. Iba ka talaga, Lord, magmahal! Solid po. Sweetest victory! Landslide win! Salamat po, Lord!”
[gallery size="medium" columns="2" ids="339257,339260"]
Ito ang post ni Aiko Melendez nitong Martes nang hatinggabi makaraang mahalal ang boyfriend niya.
Ka-chat namin si Aiko bandang 6:25PM nitong Lunes at nabanggit na niyang lumamang kaagad ang Subic mayor sa bilangan.
“Malaki na lamang ni Jay sa partial, Ate Reg. Check mo online (Jay Khonghun – 1,044 at si Angelica Magsaysay-Chen ay 420).”
Bandang 7:47PM ay nagsabi na ang aktres, “Landslide ang mga Khonghun, salamat sa inyo (media na nakatutok sa kampanya).”
At muli naming chinat si Aiko nang 12:35 am para sa update.
“Ipro-proclaim na si Jay, landslide win, Teh Reg! Lahat ng hirap namin at pagod, eto na ‘yun. Salamat sa Diyos. 90k ang lamang na ni Jay. Sa kapitolyo punta na kami maya-maya. Lahat ng Khonghun panalo,” ito ang kuwento sa amin ng proud girlfriend ni proclaimed Vice Governor Jay.
Nakakuha ng 180, 512 boto si VG Jay kumpara kay Ms Magsaysay-Chen na 91,780. Halos kalahati ang kalamangan.
Ang iba pang Khonghun na nanalo ay sina Congressman Jeffrey Khonghun sa District 1, na ama ni Vice Governor Jay.
Post ni Aiko: “And still the unbeatable congressman of District 1 Jeffrey Khonghun for a landslide victory! Overwhelming win! Mahalaga talaga ang madami nagawa at naipundar na tulong sa tao!”
Panalo rin si Jon Khonghun, na kapatid ni VG Jay, at papalit sa kanya bilang mayor ng Subic.
“The new Mayor of Subic. Landslide win. Nothing beats hard work and sincerity! Wohoooo!” post ulit ng aktres.
Nu’ng kumober kami ng pagpa-file ng kasong libelo ni Aiko sa nakalabang bise gobernador ng boyfriend niya ay nabanggit niyang nalungkot sila dahil hindi dinala ng Iglesia ni Cristo ang BF niya.
“First time nangyari Ate Reggee, kasi laging bitbit ng Iglesia si Jay, ngayon lang hindi kaya nakakalungkot,” sabi niya sa amin.
At nitong nanalo na ang tanging nasambit sa amin ng aktres: “Bait ni Lord, grabe ang vindication namin. Idinawit sa drugs si Jay, hindi dinala ng INC, and yet nanalo siya na malaki lamang.”
Worth it ang pagod at hirap na dinanas ni Aiko sa pagsama-sama sa campaign sorties ni VG Jay sa loob ng 45 days, kaya naman halos maiyak siya sa tuwa.
Oo naman, dahil dalawang teleserye at tatlong pelikula ang tinanggihan niya para lang samahan ang boyfriend sa kampanya.
“Oo mabuting tao si Jay, kaya sobra ang sakripisyo ko kasi worth it talaga.”
Abut-abot naman ang pasasalamat ni Aiko sa media dahil sa suportang ibinigay sa kanila ng boyfriend niya at sa mga kaibigan niya sa showbiz na naniniwalang mabuting tao ang bagong bise gobernador ng Zambales.
Bago mag-3:00 am kahapon ay naiproklama nang bagong bise gobernador ng Zambales si Jay Khonghun.
Congratulations po, mula sa BALITA!
-REGGEE BONOAN