TATANGKAIN ni dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro na mapatulog ang makakalaban niyang knockout artist na si WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Nawaphon Kaikanha dahil alam niyang hindi siya magwawagi sa puntos sa kanilang sagupaan sa Sabado (Mayo 18) sa Bang Phun, Thailand.

“Kailangang mapatulog, mahihirapan tayong manalo sa puntos sa Thailand,” sabi ni Jaro sa Balita.”At saka pagkakataon na ito para makabalik ako sa world rankngs.”

Minsan nang lumaban si Jaro sa Thailand nang patululugin niya si 6th round noong Marso 2, 2012 si legendary Thai boxer Ponsaklek Wongjongkam para mahablot ang WBC at Ring Magazine belts sa lalawigan ng Chonburi.

Hindi naman pipitsuging kalaban si 8th ranked bantamweight sa WBC na si Kaikanha na umiskor ng 5th round TKO win laban sa kababayang si IBF flyweight champion Amnat Ruenroeng at natalo lamang sa laban para sa WBC flyweight title laban kay Mexican Juan Hernandez Navarrette via 3rd round noong 2017 sa sagupaan sa Bangkok, Thailand.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May kartada si Kaikanha na 44-1-1 na may 34 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Jaro na mas beterano sa rekord na 45-14-5 na may 32 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña