Viral kamakailan ang isang post sa Reddit ng lalaki sa tila “desparate attempt” nito upang makawala at makalayo sa kanyang biyenan, ulat ng Oddity Central.

Red-kneed tarantula Brachypelma smithii

Sa ibinahaging kuwento ng lalaki, matagal na umanong sakit ng ulo ang kanyang “traditional Chinese in-laws” dahil sa mga biglaang pagbisita at “blatant breaches of privacy” ng mga ito. Wala rin umanong nagbago bagamat inireklamo na rin niya ito sa kanyang asawa. Kaya naman ng matuklasan nito ang kahinaan ng kanyang biyenan, ginamit niya ang pagkakataon.

“I have insufferable in laws. Father in law is manageable, but mother in law is crazy,” pagbabahagi ng user na si ProbablyAssholeGuy. “Anyway, mother in law is arachnophobic. A few months ago she went crazy after a (wolf?) spider was simply in the corner doing nothing. Panic attack and all. So I got the idea to get a tarantula as a way to prevent her coming so often. It’s in a big enclosure in the living room. Asked wife before hand if it’s okay, but didn’t tell her the motivation. Worked like a charm, the dad still comes but the mother can’t stand to be in the same house as it.”

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Ibinahagi ng lalaki ang kanyang kuwento sa  “AmITheAsshole” subreddit, kung saan tinatanong ng user ang online community kung tama ba ang kanyang ginawa.