childrens game

PINANGASIWAAN nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez (nakatayo) at Commissioner Ramon Fernandez (nakaupo) ang PSC Children’s Games For Peace sa Tondo sa pakikipagtulungan ng GoPilipinasGo – ang grupo na nagsasagawa ng aktibidad bilang pagpapahayag ng suporta ng sambayanan sa paghahanda ng Team Philippines sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre.

Mahigit 500 kabataan, mga magulang at senior citizens, ang nakiisa sa programa na ginanap sa harap ng pamosong simbahan ng Sto. Nino Parish. Ayon kay Ramirez, ang Tondo ang isa sa sentro ng kampanya noon sa pagtakbo ng Pangulong Duterte noong 2016.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'