Si Oscar "Oca" Malapitan ang nanalong Caloocan City mayor.

Sa botong 423,072, si Malapitan ang iprinoklamang alkalde ng lungsod ngayong Martes, kasabay ng bise alkade na si Asistio, Maca, na umani ng 369,790 boto.
Sa Malabon City, si reelectionist Malabon Mayor Lenlen Oreta ang nagwagi sa botong 99,425, habang si Ninong Dela Cruz ang nanalong vice mayor, na umani ng 82,075 boto.
Sa Navotas, hinirang na alkalde si Toby Tiangco, sa botong 78,778; at vice mayor niya si Clint Geronimo, na may 62,460 boto.
Iprinoklama naman si reelectionist Rex Gatchalian bilang Valenzuela City Mayor.
Siya ay umani ng 249,508 boto.
Vice mayor naman si Lorie Natividad-Borja, sa botong 225,559.
-Joseph Almer B. Pedrajas at Dylan Afuang