HABANG tinitipa namin ito nitong Linggo nang gabi ay nakatanggap kami ng tawag mula sa maraming sources na nahuli ang staff ng isang kandidato na namimigay ng pera sa mga botanteng nasasakupan nila.
Ang nasabing staff ay nakakulong daw sa isang police station, na hindi muna namin babanggitin, dahil under investigation siya ngayon.
Nakagugulat lang dahil sure winner naman na ang kandidatong ito, kaya bakit kailangan pang bumili ng boto?
Malalaman ngayong Martes kung nanalo nga ang nasabing kandidato. Ano naman kaya ang mangyayari sa nakakulang niyang staff? Mapapakawalan din kaya agad?
-Reggee Bonoan