Nakatakdang punan ng tatlong anak ni Pangulong Duterte ang tatlong posisyon sa Davao City, matapos manalo sa kani-kanilang karera sa local elections.
[gallery size="medium" ids="339289,339290,339291"]
Wagi si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mayoralty race.
Habang ang kanyang kapatid, si Sebastian "Baste" Duterte, tumatakbong vice-mayor ay umani ng 546,458 boto.
Samantala, si dating vice-mayor Paolo "Pulong" Duterte ay inaasahang papasok sa Kongreso bilang Davao City’s first district representative, sa botong 195,074.
Muling namang magbabalik si dating House speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez sa Kamara de Representantes.
Sa ganap na 4:50 ng umaga, si Alvarez ay may 163,150 boto, habang si Davao del Norte Governor Anthony “AGR” del Rosario ay may 67,791 boto.
-Ivy C. Tejano at Zea Capistrano