MATIKAS ang isinulong na opensa ni Pinoy US-based Super Grandmaster Wesley So sa huling tatlong round upang maisalba ang kampanya at makamit ang ikatlong puwesto sa katatapos na 2019 Grand Chess Tour (Rapid) sa Pullman Abidjan Hotel sa Cote D’Ivoire.

so

Ginapi ng 25-anyos na Cavite native, ngunit ngayo’y miyembro ng US Team sina Russian GMs Ian Nepomniachtchi sa 35 moves ng Giuoco Piano sa round seven at Sergey Karjakin sa ninth at final round na inabot ng 51 sulungan ng Ruy Lopez.

Nakipaghatian naman ng puntos si So kay GM Hikaru Nakamura sa round eight matapos ang 59 na tira ng isa pang Ruy Lopez opening.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s a tough match,” sambit ni So sa kanyang mensahe sa Twitter.

Naging miyembro ng US team si So nang magdesisyon ang pamilya na mag-migrate sa Amerika. Bunsod nang kakulangan ng sapat na suporta sa federation, naging madali ang desisyon sa batang So na ituloy ang chess career sa US.

“Sayang, pero ganyan talaga. Kung minsan kailangan nating magdesisyon para sa ikabubuti ng pamilya,” pahayag ni billiards at chess supporter Marlon Manalo, kasalukuyang barangay chairman sa Brgy. Malagig Mandaluyong City.

Pangunahing player ng bansa si So bago siya umalis ng Pilipinas. Huli siyang nagwagi ng gintong medalya para sa Pilipinas noong 2016 Universiade Games.