MULING masisilayan si PH young pool master Bernie Regalario sa pagsargo sa 1st Vandal 10-Ball Amateur Handicapping Billiard Tournament sa Mayo 17 matapos ang kanyang pamamayagpag sa Battle of the Champion 10 ball event nitong Enero.
“I hope to do well in the 1st Vandal 10-Ball Amateur Handicapping Billiard Tournament,” ayon sa 14-anyos na si Regalario, incoming Grade 9 student sa Arcadio Santos High School sa Paranaque City.
Si Regalario ay miyembro ng Wilde Blu Junior Pool Team na suportado ni Mr. Nino Lopez, local distributor ng Wilde Blu chalk sa Pilipinas at sa Indonesia maging ang Volturi Custom Cases PH.
Ang iba pang miyembro ng Wilde Blu Junior Pool Team na suportado rin nina world renowned blogger Leslie “Anito Kid” Mapugay, Jun Cornista ng Peri Cue, Philippines, Reymond Delos Reyes ng Flawless, Angel Bautista ng Angel Custom Cues, Makati Pool Players Association - MAPPA sa gabay ni president Arvin Arceo, Ding’s Billiards at ng The Para Shop Manila ay sina Dexter Barnido, Jalil P. Noche, Hanz Nicos Blente, Rey Calanao at Paul Kenneth Arpilleda na anak ni 1997 Jakarta Southeast Asian Games 9-ball gold medallist Victor Arpilleda.
Ang 1st Vandal 10-Ball Amateur Handicapping Billiard Tournament na gaganapin sa Vandal Sports Bar, 107 Mother Ignacia Avenue, Quezon City ay may nakalaaan na P70,000 plus trophy sa magkakampeon sa Race to 5, Double elimination, rack your own format na suportado ng Lady Luck Sports Bar, MSW, Kixx, Kriska, Hustler at SunvilleTrading.
Maisusubi naman ng second placer ang P30,000 plus at trophy, habang ang third ay P15,000 plus at trophy at fourth ay P8,000 habang ang 5th hanggang 8th ay tatanggap ng tig-P3,000 habang ang ninth hanggang 16th placer ay may maibubulsa na tig-P1,500.
Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan kay tournament director Troy Danao sa 0927-453-3888 at 0919-255-5440.