NAGING tradisyon na pala ng mag-asawang Yeng Constantino at Victor ‘Yan’ Asuncion na kapag may okasyon sa buhay nila tulad ng kaarawan nila at anibersaryo ay nagbabakasyon sila sa ibang bansa para ma-enjoy nila ang isa’t isa.

Erik at Yeng copy

“Para ma-keep namin ang flame alive,” masayang sabi ni Yeng, “Ang aga pa, four years (silang kasal), ganu’n na agad ang naiisip.”

Alaga ni Yeng ang sarili dahil vegan siya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nagki-Keto vegan diet ako, tapos nu’ng nag- States kami (after ng show diretso bakasyon sila ni Yan), medyo nag-gain ulit ako ng weight, kaya balik vegetarian Keto diet ulit ako,” paliwanag ng songwriter.

Pinuna namin ang pigura ni Yeng na hindi naman mataba at sa katunayan ay medyo maluwang nga ang suot niyang damit kasi nga maliit ang katawan niya.

“Malaki kasi face ko kaya kailangang lumiit. Kailangan na nga ng siyensiya kasi sa TV malaki ako tingnan. Nagpapa-Belo ako, ‘yung Exciliz, kasi manas sa face,” sabi pa ng mang-aawit.

Siyempre hindi rin namin maiwasang hindi siya tanungin kung kailan sila magkakaroon ng baby dahil four years na rin naman silang kasal ni Yan.

“Parang nasa stage kami ng asawa ko ngayon na mas easy kami than last year na magkaroon kasi nakakalungkot ‘pag hindi dumarating. Blessing in disguise kasi mas naasikaso namin ng asawa ko ‘yung business namin na realty. Nagtatayo kami ng apartments, hindi namin ibinebenta, pinapaupahan lang in Quezon City,” kuwento ni Yeng.

Marami na raw silang units kaya masaya si Yeng dahil dito rin napupunta ang kita nila ni Yan. Pinaghahandaan nila ang pagdating ng kanilang baby.

Samantala, excited si Yeng dahil sa upcoming concert nila ni Erik Santos na may titulong Extraordinary na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa May 22. Ito ang unang beses nilang pagsasama, kadalasan kasi ay guest nila ang isa’t isa.

“‘Yung idea ng concert na ito ay galing sa genuine na pagkakaibigan, nu’ng pumasok po kasi ako sa industriya tapos hindi pa kami ganu’n ka-close ni Erik, kaya nu’ng tumagal nang tumagal hanggang sa naging magkakilala na kami at naging close na at doon na nagsimula ang friendship at nakilala ko siya much deeper na.

“Masarap kapag nagdu-duet kami kasi ‘yung koneksyon namin hindi lang sa musical kundi sa emotional level din,” paliwanag ni Yeng.

Paano pala ang repertoire nila dahil magkaiba ng genre sina Yeng na pop rock samantalang si Erik naman ay balladeer.

“Oo nga, sabi nga ni Ms. Winnie Cordero sa ‘UKG’ (Umagang Kay Ganda) ‘parang hindi mo ma-expect na kayo ang mag-collaborate pero puwede pala.’

“‘Yun ang nakakatuwa kasi hindi expected pero ‘yun nga sinasabi ko na everytime na mabibigyan kami ni Erik na mag-duet sa ‘ASAP’, may kakaiba at pati ‘yung blend ng boses namin.

“Pero sa concert na gagawin namin, papakita namin ‘yung musicality namin both, and ‘yung nagko-connect sa amin bilang mga artist. Walang masyadong intermission at spiels para ma-surprise kapag nanood kayo, kasi maganda ‘yung line-up ng songs namin,” paliwanag ng Pop/Rock Princess.

Ang musical director ng Extraordinary ay si Mark Lopez, si John Prats ang stage director at produced ito ng Cornerstone concerts at Resorts World Manila.

-Reggee Bonoan