AYON kay Miss Italy Leovy Jane Pagaduan, ang mga Pinoy sa European country ang ilan sa mga pinakamatiyaga sa trabaho at pinakamabuting tao sa buong munado.
“I know a lot of Filipinos in Italy. They are so nice and hardworking,” sabi ni Leovy Jane sa eksklusibong meet-and-greet event sa Quezon City kamakailan.
Kasalukuyang nasa bansa si Leovy Jane, 20, para sa Jewel of the World 2019 pageant na on-going sa Manila. Siya ay personal na pinili ng popular na fashion designer na si Angela Taloza, ang national director ng Jewel of the World Italy.
Ayon kay Angela, second niya choice umano ang Pinay bilang kinatawan ng Italy sa kumpetisyon nang magbitiw sa timpalak ang orihinal na kandidata.Ipinahayag naman ni Leovy Jane na nasabik siya sa lalabanang kumpetisyong nang malamang napili bilang maging kinatawan ng Italy. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang master’s degree sa economic management.
“My parents are Filipinos. I grew up in Italy. These days I work as a fashion stylist in Switzerland. I really love the Philippines and it’s my third time here,” aniya.
Aniya pa, ang adbokasiya niya ang “beauty in diversity”. Mahilig din siyang mag-travel at makinig sa musika.“I think it’s not about the color or race that matters. When you embrace diversity, you see beauty in everything. Then life becomes meaningful,” aniya.
Ang finals ng Jewel of the World 2019 beauty contest ay gaganapin sa Diliman, Quezon City sa Martes, May 14.
-ROBERT REQUINTINA