PATULOY pa rin si Jasmine Curtis Smith in advocating for awareness and education on becoming more conscious about our environment and sustainable tourism.

Jasmine copy

“With the #JuanEffect program, I have pledged to bring my own eco bag, bottle and, throwing my trash properly,” sabi ni Jasmin.

“Not just when I travel but more importantly in my everyday life! You can also make a pledge and share your pledge with your friends and family. Let’s keep doing our part.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Patuloy pa rin si Jasmine sa kanyang Juan Effect program. This weekend, nakita siya sa isang beach, namumulot ng mga bote at basura, at inilalagay niya ang mga ito sa halos mapuno nang eco bag na dala niya.

Kapag walang work sa Manila, nasa La Union si Jasmine with boyfriend Jeff Ortega dahil may business sila roon.

But very soon, magsisimula na rin si Jasmine ng bago niyang teleserye sa GMA Network. Sa ngayon, nasa preparation na ang big-budgeted series na malamang ay magsimula na ang taping next month.

Masaya si Jasmine sa nababalitaan niya na patuloy na sinusubaybayan ng mga netizens ang epicserye nilang Sahaya, at tumataas ang rating nila gabi-gabi.

Si Jasmine kasi ang gumanap na batang Manisan, ang nanay ni Sahaya, noong bata pa ang bida hanggang sa maging teenager na at maging si Bianca Umali. Sa ngayon, si Mylene Dizon na ang gumaganap na Manisan.

Pero paminsan-minsan ay napapanood pa rin si Jasmine kapag may flashback ng eksena na bata pa si Sahaya.

Napapanood ang Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia.

-Nora V. Calderon