Inilabas nitong Huwebes ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang mga panagalan ng 50 siyudad at mga bayan sa Rehiyon 12 o Soccsksargen na nagwagi sa 2018 Seal of Child-Friendly Local Governance.

Kabilang sa nasabing listahan ang lungsod ng Cotabato na nakatanggap din child-friendly award.

Sa isang pahayag, kinilala ni Department of Social Work and Development (DSWD) 12 Director Zorahayda Taha ang mga nagwaging bayan, kabilang ang Polomolok sa South Cotabato na may pinakamataas na rating na 98 porsiyento, kasunod ang Pikit sa North Cotabato na may 97 porsiyento, at ang mga bayan ng Esperanza, Kalamansig at President Roxas, sa probinsiya ng Sultan Kudarat, may kapwa 94 porsiyento.

“Others on the list are the towns of Aleosan, M’lang, Tupi, Malungon, Surallah, Maasim, Isulan, Alamada, Antipas, Kabacan, Glan, Pigcawayan, Alabel, Maitum,” pahayag ni Taha.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Dagdag pa niya, kabilang din sa pinarangalan ang mga siyudad ng Cotabato City, Malapatan, Lebak, Lutayan, Midsayap, Tulunan, Carmen, Tampakan, T’boli, Pres. Quirino, Lake Sebu, Columbio, Matalam, Libungan, General Santos City, Sen. Ninoy Aquino, Tacurong City, Arakan, at Kidapawan City. Habang kasama rin ang mga bayan ng Magpet, Koronadal City, Kiamba, Palimbang, Sto, Niño, Tantangan, Makilala, Bagumbayan, Banga, Lambayong, Banisilan, at Norala.

Ayon sa Council for the Welfare of Children, na ang pagbibigay ng parangal, na pinamunuan ng DSWD at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang katuwang na ahensiya , ay ibinase umano sa resulta ng mandatory Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA), na taunang isinasagawa at sumasakop sa lahat ng mga bayan at lungsod sa bansa.

PNA