ILOILO CITY— Natuklasan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na nagkaroon ng kamalian sa pagdedeliver ng 336 balota sa ilang polling precincts sa Iloilo.

BALLOTS

Paliwanag ni Comelec-Iloilo provincial director, Atty. Roberto Salazar, nangyari ang insidente sa bayan ng Anilao at Badiangan.

Nadiskubre lamang aniya ang kamalian nang buksan ng mga

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Board of Election Inspector (BEI) ang mga balota upang isailalim sana sa verification.

Ayon sa Comelec procedure, maaari lamang inspeksyunin ang mga balota kapag bukas na ang mga polling precinct.

Aabot aniya sa 220 balota ang naideliver sa Anilao na natuklasang  para sana sa mga botante ng San Enrique sa Negros Occidental.

Nagkamali rin aniya ang pagdeliver ng 113 balota sa Badiangan dahil nakalaan ang mga ito sa mga botante ng Miag-ao sa Southern Iloilo.

“Because of this, we had to transfer the ballots to the proper precincts,” ayon kay Salazar.

Ang mga nasabing balota sa Anilao ay dinala na sa Comelec-6 regional office sa Iloilo City na iniutos nang dalhin sa Negros Occidental na nasa kabilang isla.

Sinabi pa ng opisyal, hindi na mahihirapan sa pagpapadala ng mga nasabing balota sa Miag-ao na kalapit lamang ng Badiangan.

-Tara Yap