Natimbog ng pulisya at militar ang isa sa miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na tumakas sa Basilan noong 2009, sa isinagawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Zamboanga Sibugay, nitong Sabado ng umaga.

ABU SAYYAF (21)

Kinumpirma ni Police Regional Office for Zamboanga Peninsula (PRO-9) Director, Brig. Gen. Emmanuel Luis Licup, na nasa kustodiya na nila si Abubakar Yakub, alyas “Jhan Que Lahi”.

Si Yakub ay dinampot ng mga tauhan ng Tungawan Municipal Police Station, CIDG9, Zamboanga Sibugay PPO-Intel Branch, Regional Intelligence Division 9, Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company, 904th Company ng RMFB9, at Zamboanga City Police Office-Intel Branch, sa hideout nito sa Barangay Tungawan, sa nabanggit na bayan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Aniya, dati nang nakakulong si Yakub sa Basilan Provincial Jail sa Barangay Sumagdang, Isabela City sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Gayunman, tumakas ito, kasama ang 30 pang preso, noong Disyembre 13, 2009.

-Nonoy E. Lacson