Ni Annie Abad

MARIING itinanggi ni Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na may kinalaman siya o nakikipagkutsabahan para mapatalsik sa puwesto ang Pangulong Duterte.

Aniya, nakatuon ang kanyang atensyon sa pagsasanay para sa tangkang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

“Medyo nakapanghihina na mabalitaasn mo ang ganyang mga istorya. Alam ng Diyos na paghahanda lang sa Olympics ang nasa isip ko dahil yung makapag-uwi ka ng karangalan sa bansa ay isang malaking karangalan,” sambit ni Diaz, nakatakdang sumabak sa World Championshop sa Setyembre.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Hindi ko maunawaan bakita may ganyang kaganapan, pero tiwala ako at ang aking mga kasama at kapamilya na isa lang itong pagkakamali,” aniya.

“Ano man yung binabato nila sa akin, yung mga taong di ko kilala, bakit ako magpapa-apekto?”

“Focus talaga kasi malapit na ako dun sa target ko, sa goals ko. Iniisip ko na lang na yung tsismis na yun on a different level lang.”

Marami ang nagulat nang mapasama ang pangalan ni Diaz sa ‘matrix’ na inilabas ni Oresidential spokesperson Salvador Panelo nitong Miyerkules na naguugnay sa layuning mapatalsik sa puwestoa ng Pangulong Duterte.

Si Diaz ay miyembro ng Philippine Air Force.

Ayon kay Diaz, plano niyang sulatan ang Pangulong Duterte para linisin ang kanyang pangalan.

“Malaki ang paggalang okay Presidente Digong. Siya nga mismo ang sumalubong sa akin nang manalo ako ng silver medal sa Rio Olympics,” aniya.