Limang Chinese na umano'y miyembro ng kidnap for ransom group ang natimbog ng pulisya sa Las Piñas City, kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Shen Li Wei, 29, Ruan Hu Bin, 29, Chen Sing, 29, Weng Peng Chao, 29, at Li Hui Sie.
Ang mga biktima ay sina Zhou Yang,Sengxiao Ling, at Ou Shen.
Sinabi ni Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City, nagsagawa ng entrapment operation ang kanyang mga tauhan na ikinaaresto ng mga suspek sa Circuit Plaza, Ayala, Makati City, dakong 1:30 ng madaling araw.
Sa pahayag ni Shen ,naglalakad siya sa Verdant Avenue, Bgy. Pamplona 3, Las Piñas, kasama sina Yang at Ling, nang dumating ang isang Toyota van (AIA 2234, sakay ng 10 suspek, nitong Mayo 10, dakong 11:45 ng gabi.
Aniya, kinuyog sila ng mga suspek bago isinakay sa isang sasakyan.
Gayunman, nakatakas si Shen at agad na ini-report sa pulisya ang insidente hanggang sa madakip ang limang kidnapper.
-Bella Gamotea