PANGUNGUNAHAN nina National Basketball Association (NBA) player Collin Sexton ng Cleveland Cavaliers at WNBA legend Ticha Penicheiro ang pagpili ng mga natataging batang players sa 2019 Jr. NBA Philippines.

Sa pakikipagtulungan ng Alaska, isasagawa ang National Training Camp sa Mayo 18 sa Don Bosco Technical Institute on May 18, habang ang exhibition game ay sa Mayo 19 sa SM Mall of Asia Music Hall.

Gagabayan nina Sexton at Penicheiro ang mga local coach at trainors sa pagpili ng natatanging limang batang lalaki at limang babae mula sa 80 finalists para maging miyembro ng 2019 Jr. NBA Philippines All-Stars. Makikiisa rin sila sa gagawing Jr. NBA Alumni All-Star Game.

Sentro ng programa ng Jr. NBA Philippines at Alaska na mapataas ang antas ng kalidad ng talento ng batang Pinoy, higit ang pagkakaroon nila ng malusog na pangangatawan kaakibat ang aktibong pamumuhay. Mula noong 2007, umabot na sa halos dalawang milyon na batang players, coaches at parents sa kabuuang 190 cities and municipalities sa bansa ang napagkalooban ng libreng pagtuturo sa fundamentals ng basketball at pagpapataas ng kanilang character sa pamamagitan ng core values of sportsmanship, teamwork, a positive attitude, at respect (S.T.A.R.) na nakapaloob sa programa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I’m excited to work with aspiring young athletes and help contribute to their basketball development,” sambit ni Sexton. “The Jr. NBA is a perfect program for them to learn essential skills and values that will help elevate their game.”

“Jr. NBA continues to be an inclusive platform for boys and girls, encouraging sports participation and instilling an active and healthy lifestyle among the Filipino youth,” pahayag naman ni Penicheiro. “I’m grateful for the opportunity to nurture their holistic growth and put them in a position to succeed in basketball and in life.”

Napili si Sexton bilang 8th overall sa 2018 NBA Draft at may averaged 16.6 points, 3 rebounds, and 2.8 assists per game sa kanyang rookie season.

Nakuha naman si Penicheiro bilang 2nd overall ng Sacramento Monarchs noong 1998 WNBA Draft. Isa siyang WNBA Champion at four-time WNBA All-Star. Kabilang sa WNBA’s Top 15 Players of All Time, naglaro si Penicheiro sa loob ng 15 season sa koponan ng Sacramento Monarchs, Los Angeles Sparks at Chicago Sky. Kabilang siya sa 2019 class ng Women’s Basketball Hall of Fame sa Hunyo.

Ang National Training Camp finalists aynapili mula sa isinagawang Regional Selection Camps sa Benguet, Butuan, Dumaguete, Lucena at Metro Manila, gayundin sa Alaska Power Camp.