Viral ngayon ang Masterpiece Hospital sa Bangkok, Thailand, dahil sa iniaalok nitong plastic surgery na nagbibigay ng instant six-pack abs sa mga pasyente nito.
Ayon sa ulat ng Oddity Central, gamit ang procedure na ‘abdominal etching’, tinatanggal ang taba ng pasyente sa tiyan nito upang mailabas ang natatagong six-pack abs.
Walang plastic o silicone implants ang inilalagay at nakatuon lamang sa abs-focused liposuction.
“We don’t do implants because they don’t look good and don’t last long,” pahayag ng Masterpiece Hospital CEO na si Raweewat “Sae” Maschamadol. “We’ve been doing this for about three to four years now, we get anywhere from 20 to 30 customers requesting a six-pack every month.”
Bagamat dream come true ang magkaroon ng six-pack abs para sa maraming lalaki, hindi lahat ay puwede sa procedure na ito. Kinakailangan na may “well-developed abdominal muscles” ang pasyente para maging matagumpay ang surgery.
“In order to naturally get a six-pack, one needs to work out as well as get lean. Most of our clients come in with a lot of muscle, they just want to save themselves months of leaning down,” ayon sa Thai surgeon.