MATAPOS na ipahayag ni Sultan Hassanal Bolkiah, ng Brunei Darussalam, nitong Abril na ipatutupad sa kanyang bansa ang parusang stoning to death para sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, binatikos ito ng mundo.
Ito ay nakatuon sa matinding pagpaparusa sa gay sex sa ilalim ng Islamic penal code, na ipinatupad sa Brunei nitong Abril. Tinukoy ni United Nations Secretary General Antonio Guterres ang bagong batas bilang na paglabag sa karapatang pantao. Ipinanawagan ng civil rights group at ng mga artista sa mundo, kabilang sina George Clooney at Ellen Degeneres, na i-boycott ang mga hotel na kontrolado ng Brunei sa buong mundo. Ipinag-utos ng ilang multinational companies ang pagbabawal sa kanilang mga empleyado na gumamit ng mga hotel ng sultan, habang tumigil ang ilang travel companies sa pagpo-promote sa Brunei bilang travel destination.
Nasa kalagitnaan ng Kuwaresma at ginunita ng mga Kristiyano ang istorya sa Bible of Christ na tumangging parusahan ang isang babae na nahuli ng ng mga Jewish Scribes at Pharisees na nangangalunya, sinabing, “He who is without sin among you, let him cast the first stone at her.”
Nitong Linggo, ipinahayag ni Sultan Bolkiah na hindi na ipatutupad ang parusang kamatayan sa mga krimen sa Shariah Penal Code Order (SPCO). Sinabi niya na hindi ipinatutupad ang parusang kamatayan sa mga kaso sa ilalim ng batas ng Brunei sa loob ng mahigit dalawang dekada. Hindi rin ito ipatutupad sa mga kaso sa ilalim ng bagong Shariah penal code.
Ang pagtugon ng sultan sa reaksiyon ng mundo sa bagong batas ng Brunei ay hindi pangkaraniwan, dahil madalas niyang balewalain ang anumang kritisismo. Ipinaliwanag niya sa kanyang talumpati sa bansa nitong nakaraang Linggo na, “Both the common law and the Shariah law aim to ensure peace and harmony of the country. They are also crucial in protecting the morality and decency of the country as well as the privacy of individuals.”
Bahagi pa rin ng batas ng Brunei ang Shariah law, na may parusang kamatayan para sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Mayroong de facto moratorium sa death penalty sa Brunei, kaya walang mapaparusahan ng kamatayan.
Ikinagalak ng buong mundo ang pahayag ng sultan. Dalawang dekada nang hindi nagpapatupad ng parusang kamatayan ang Brunei, ngunit ito ay nasa batas pa rins. Maaaring magpatupad ng parusang kamatayan si Sultan Bolkiah kaya ang pagtuligsa ng buong mundo sa nasabing batas ay patuloy.