BALIK aksiyon ang import na si John Fields, ngunit hindi para sa dating koponan na Columbian Dyip para sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Babalikatin ni Fields ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok para sa import-laden conference.

Galing ang 31-anyos na si Fields sa ASEAN Basketball League (ABL) bilang import ng Singapore Slingers na nagkampeon laban sa CLS Knights Indonesia.

“It really just happened these last couple of days. I was very honored to hear from them that they had interest in me,” pahayag ni Fields sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It feels great to return. This is the most amazing country (Philippines) to play basketball at a high level in and I’m glad to be back!” aniya.

Sa pagkakataong ito, aminado si Fields na mas malakas ang tropang sasamahan niya.

“I know Magnolia is really talented. They have a lot of playmakers and shooters really look forward playing with those guys. When you are the import, there is always pressure in every job you have. You must produce!” aniya.

Kinakitaan ng lakas at determinasyon si Fields sa tropa ng Dyip na nagustuhan ng Pinoy basketball fans. Sa pagkakataong ito, kumpiyansa siyang mahihigitan ang naging kampanya.

“Fans can expect a player with a lot of energy and passion who wants to win as much as possible,” sambit ni Fields.

Handa siyang sumagupa sa makakaharap na imports, gayundin sa mga local top players tulad nina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

“I played in the league before. I know the incredible talent. I have to face it and I’m ready for the task,” pahayag ni Fields.

“I wanna shoutout all the Magnolia fans and know that the goal is to win a championship!” aniya.

-Brian Yalung