Magdaraos bukas ng misa at candlelight procession sa Manila Cathedral, upang ipanalangin ang isang mapayapa at makabuluhang eleksiyon sa bansa.

Inaasahang pangungunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang pagdaraos ng misa, na magsisimula dakong 6:00 ng gabi bukas, Mayo 12.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Father Reginald Malicdem, rector ng Manila Cathedral, ang mga Katoliko na makiisa sa naturang aktibidad.

“Punuin po natin ang Plaza Roma dito sa Intramuros ng ilaw ng ating mga kandila at ng ating mga tinig na nagdarasal at umaawit upang hingin ang tulong at patnubay ng Mahal na Ina, at ng kanyang anak na si Hesus, sa ating pagpili ng mga makatao at maka-Diyos na mamumuno sa atin,” sinabi ni Malicdem sa video message na ipinost niya sa Facebook page ng basilica.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Idaraos ang misa sa presensiya ng replica ng imahen ng Our Lady of Fatima, mula sa Chapel of Apparitions sa Fatima, Portugal, dahil nagkataong kapistahan ng Our Lady of Fatima ang araw ng halalan sa Lunes.

Mary Ann Santiago