IKINUWENTO ni Zsa Zsa Padilla sa King of Talk na si Boy Abunda, sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda, ang kanyang sobrang pagkadismaya nang malaman niyang nabiktima siya ng fake marriage sa isang Japanese noong 1992.

Ayon sa kuwento ni Zsa Zsa, pumunta sila ng fiancé na si Architect Conrad Onglao sa Registrar’s Office in Makati, at doon niya nalaman na may existing marriage certificate ang marriage niya sa isang Hapon.

“Nung nakita ko talaga, sobra akong nagulat. Pagkatapos nun humagulhol na ako talaga. Umiyak ako,” kuwento ni Zsa Zsa.

Sobra raw ang galit ni Zsa Zsa, dahil inabot pa ng 11 years bago na-annul ang kasal niya sa ama ni Karylle, si Modesto Tatlonghari.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“It took me 11 years to get my annulment with M, ano na naman ito? Bakit ganyan?”

Nalaman pa ni Zsa Zsa na kailangan niyang pagdaanan ang expensive process of annulment para ma-declare na null and void ang kasal niya sa Japanese, na hindi niya kilala. Naghintay pa raw muna siya ng two to three months bago nagdesisyon na ipa-annul ang kasal.

Sa huli, nagdesisyon siya na kung sino man ang gumawa ng fake marriage na ‘yun ay kailangan na niyang patawarin.

Pinatunanyan ni Zsa Zsa sa korte na sa nasabing date ng “kasal” niya noong 1992 ay nasa Amerika siya kasama ang late comedian at longtime partner niyang si Dolphy, na noon ay nagpapagamot. Nakumpirma ring wala sa Pilipinas ang nasabing Japanese sa petsa ng sinasabing kasal nila, dahil nagtungo lang ito sa bansa five years later, noong 1997.

Dahil sa mga ebidensiyang iprinisinta ni Zsa Zsa sa korte, annulled na ngayon ang sham marriage niya.

“Sobra talaga ‘yung galit ko nung umpisa. Kasi ngayon nakaka-smile na po ako, eh. Kasi tapos na.”

Kailan naman kaya ang kasal nila ng kanyang fiancé?

“We’re still planning it in between our schedules,” sabi ni Zsa Zsa.

-ADOR V. SALUTA