NAWALA sa Peping Cojuangco, ngunit nananatili pa rin ang kawalang hustisya sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pamumuno ni Ricky Vargas.

Ito ang hinaing ng mga sports officials mula sa mga National Sports Associations (NSAs) na patuloy na tumatanggap ng pang-aabuso, kawalan ng malasakit at ilegal na inalis bilang miyembro ng Olympic body.

Ayon kay (ret) Lt. Gen. Charly Holganza ang kawalan ng aksiyon ng POC sa mga nagulong asosasyon ang nagtulak sa kanila para mabuo ang Reform Philippine Sports (RP Sports) movement.

“Bumababa na ang performance natin sa sports. Sa Southeast Asian Games nga bumagsak na tayo sa sixth place,” pahayag ni Holganza sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Marami ang nasasayang na energy sa agawan ng puwesto at awayan sa liderato kaya napababayaan na ang mga atleta. Ang purpose namin dito ay ang maibalik ang pride and dignity sa Philippine sports,” aniya.

Sentro ng ipinaglalaban ng grupo ang walang katarungan na pagpapatalsik bilang miyembro ng POC ang Philippine Bowling Congress (PBC), Table Tennis Association of the Philippines (TATAP), Philippine Volleyball Federation (PVF) at Philippine Dragon Boat Federation (PDBF).

Ngunit, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na hindi kabilang ang asosasyon sa naturang grupo at wala siyang binibigyan ng karapatan na katawanin ang PVF.

“Hindi kami kasali dyan. Ginagalang ko ang kanilang layunin, pero ang PVF ay may sariling laban na kasalukuyan ngayong nakabinbin sa local court. So far, as IF recognition is concerned hindi kami inaaalis bilang member,” aniya.

Iginiit ni Holgansa na nananatili ang “bata-bata” mentality sa POC.

Aniya, nararapat na dumaan sa POC Assembly ang anumang desisyon hingil sa pagbawi ng membership sa mga NSA at hindi dahil sa ayaw lamang ng POC sa lider nito.

“Kapag walang ginagawa ang NSA para palakasin ang kanilang sports at kapag hindi na nananalo ito sa mga international tournaments, dapat palitan na ang leadership,” sambit ni Holganza.

“We thought that the needed reforms would finally be put in place. We thought that with his new direction, the problems of the divided communities will finally be resolved.”

“Unfortunately, it has been more than a year now, and the POC has not done anything about it. The membership committee under Mr. Robert Bachmann has not been able to resolve a single issue yet.”

Kasama ni Holganza na dumalo sa TOPS na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde at National Press Club sina Rhowie Enriquez ng DragonBoat, Francis De Leon, Red Molleda at PBC president Engr. Guillermo Mallillin at PDBF president Nyllressan Factolarin.

-Edwin Rollon