Kering-Curry kahit wala si Durant.

THE WARRIOR Tinangkang pigilan nina PJ Tucker (kaliwa) at Iman Shumpert ng Houston Rockets si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa second half ng Game 6 ng NBA Playoffs nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas), sa Houston, Texas. (AP)

THE WARRIOR Tinangkang pigilan nina PJ Tucker (kaliwa) at Iman Shumpert ng Houston Rockets si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa second half ng Game 6 ng NBA Playoffs nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas), sa Houston, Texas. (AP)

Sa second half kumana ng sunud-sunod na 33 puntos si Stephen Curry para sa Golden State Warriors, upang maangkin ng koponan ang panalo sa Game 6 laban sa Houston Rockets, kahit pa wala ang NBA best player na si Kevin Durant, nitong Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Pilipinas).

Sa score na 118-113, opisyal nang pasok sa Western Conference finals ang Warriors.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagdagdag si Klay Thompson ng 27 puntos upang tulungan ang two-time defending champion na Golden State na makaabot sa conference finals sa ikalimang sunod na taon, at talunin ang Houston sa ikaapat na beses sa limang season.

Nanalo ang Warriors kahit pa nakapahinga muna si Durant dahil sa calf injury na natamo nito sa second half ng panalo ng Warriors sa Game 5.

Naka-layup si James Harden para makabawi ang Rockets sa laro, wala nang isang minuto, pero nagbuslo ng three-pointer si Thompson sa natitirang 36.1 segundo, upang mapanatili ang lamang ng Golden State sa 110-104.

Kumamada ng 35 puntos si Harden, habang nagdagdag naman si Chris Paul ng 27 para sa Houston.

Associated Press