Tapos na ang laban ni Kevin Durant para sa Western Conference semifinals, at sinabi ni Coach Steve Kerr na mahalagang paghandaan ng Golden State Warriors ang napakalaking hamon sa koponan: Palitan ang pinakamahusay na NBA player.

Si Kevin Durant ng Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Playoffs nitong Miyerkules, laban sa Houston Rockets. (REUTERS)

Si Kevin Durant ng Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Playoffs nitong Miyerkules, laban sa Houston Rockets. (REUTERS)

“He’s been the best player in the NBA in the playoffs. He’s been phenomenal,” sinabi ni Kerr nitong Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Pilipinas), kinumpirmang ilang araw na hindi makapaglalaro si Durant.

Posibleng magbalik-aksiyon na siya sa Western Conference finals, pero kailangan pa ring manalo ang Warriors, lamang sa Houston Rockets sa 3-2 sa semifinals, sa Game 6 sa Houston sa Biyernes, kahit wala si Durant.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Well, we’ll just find somebody on the bench who can give us 35 points, two blocks and 11 boards and nine assists,” sabi ni Kerr.

Inihayag ng Warriors nitong Huwebes ng hapon na pagkatapos sumailalim sa MRI, natukoy na may mild right calf strain si Durant, at sa susunod na linggo pa masusuring muli.

“It’s obviously a huge loss. Our team has a lot of confidence,” sabi ni Kerr. “We trust each other. They’ve won championships together. So we come out and give it our best shot.”

Kahit wala si Durant, naipanalo ng Warriors ang Game 5 sa Oakland, California nitong Miyerkules. Pero may pag-asa pa naman. Mayroong 29-4 sa mga larong wala si Durant na nariyan naman ang guard na si Steph Curry.

Gayunman, may dislocated na daliri si Curry.

“Guys who haven’t had opportunities yet (in this series) will have opportunities,” ani Kerr.