ILANG oras palang natatanggap ni Tony Labrusca ang Gawad Elenita Navor-Hermoso para sa Natatanging Artista ng Bagong Henerasyon award sa ginanap na 17th Gawad Tanglaw Awards, na ginanap sa Museo ng Muntinlupa nitong Miyerkules, Mayo 8, ay natanggap naman niya ang balitang nominado siya sa Urian para sa kategoryang best actor sa pelikulang ML (Martial Law) na entry sa 2018 Cinemalaya.

Tony copy

P a n a y a n g pasasalamat ni Tony sa lahat ng blessings na natatanggap niya dahil pagkatapos ng unos sa buhay, ay heto sunud-sunod na ang natatanggap niyang magandang balita.

Ayon kay Tony, masaya siyang nominado siya at para na rin siyang nanalo dahil alam niyang mga bigatin ang mga kalaban niya sa Urian lalo’t kasama si Eddie Garcia na may dobleng nominasyon, para sa ML at Hintayan ng Langit.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Napapanood si Tony sa Sino Ang May Sala: Mea Culpa at maganda ang feedback sa aktor sa karakter niyang Mayor Andre o Drei dahil hindi siya corrupt na putiliko. Ang kaso, naiipit siya ngayon kasama ang mga kaibigan sa imbestigasyong nangyayari tungkol sa nawawalang anak ni Jodi Sta. Maria na si Joy.

Lumiliit na ang mundo ng magkakaibigang Tony, Ivana Alawi (Lolita), Sandino Martin (Gaylord), Kit Thompson (Greco) at Bela Padilla (Juris) dahil natutumbok nang may kinalaman sila sa pagkawala ng anak ni Fina (Jodi) dahil sa tuwing nagkikita-kita sila ay naiiba ang mga kilos nila, kaya takang-taka ang huli dahil nahahalata nitong may itinatago ang grupo ni Tony.

Ang kakambal ni Ketchup Eusebio na s i Arman ang tumutulong kay Fina sa paghahanap ng anak at sa kinalaman ng mga kaibigan ng kapatid niya sa pagkawala ng bata.

Lusot n a kasi san a ang magkakaibigan, ang kaso, nabanggit ni Arman na nu’ng araw na nawala ang anak ni Fina sa Baguio ay siya ring araw na nagliwaliw ang barkada sa bayan.

Kaya dito nagkaroon ng malaking duda si Fina lalo’t nakaharap niya ang mismong anak niya na malaki na ngayon sa pangalang Leina. Lukso ng dugo ang naramdaman ni Jodi bagay na ikinabahala nina Bela at Tony.

Bale, naipasa na ng senadorang nanay ni Tony na si Matilda Montelibano (Ayen Munji-Laurel) ang dealth penalty sa lahat ng taong nagkasala.

Sabi nga ni Jodi kay Arman (Ketchup), “malapit na tayo sa katotohanan.”

Abangan ang Sino Ang May Sala: Mea Culpa pagkatapos ng The General’s Daughter sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan