OKAY sa amin ang casting ng pelikulang Tayo sa Huling Buwan Ng Taon, na ayon sa direktor nitong si Nestor Abrogena Jr. ay tatlong taon niyang binuo.

Emmanuelle at Nicco

Ngayon sobrang saya niya na palabas na ang pelikula na pinagbibidahan nina Nicco Manalo, Emmanuelle Vera, Anna Luna at Alex Medina, na sinuportahan naman nina Peewee O’Hara, Alvin Anson, Madeleine Nicolas, Emman Nimedez, at Bodjie Pascua.

Sa pelikula, magkasintahan sina Alex (Frank) at Anna (Anna), gayundin sina Nicco (Sam) at Vera (Isa), na parehong nagsusumikap para sa future nila. Baguhang filmmaker si Nicco at writer naman si Vera na dating magkasintahan at muling nagkita makalipas ang limang taon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pareho na silang masaya sa kani-kanilang partners, hanggang sa na-in love si Sam sa kanyang maalagang co-teacher na si Anna, habang si Isa naman ay committed na kay Frank, ang kanyang childhood friend na willing i-give up ang lahat pa sa kanya.

Susubukan pa rin nina Sam at Isa na maging magkaibigan kahit happy na sa kanilang respective romantic partners. Pero sa muli nilang pagkikita ay nadiskubre nilang dama pa nila ang sakit ng kanilang paghihiwalay—at mabubunyag ang dahilan, na later on ay makaaapekto sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Nasabi naming okay ang casting ng pelikula dahil ang huhusay kahit subtle lang umarte sina Nicco, Vera, Anna, at Alex.

Ang Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon ay isa sa indie film favorites ni Direk Nestor, bukod sa Ang Kuwento Nating Dalawa, na pinagbidahan din nina Nicco at Vera.

Samantala, nasagot na ang dasal ng mga sumubaybay sa kuwento nina Sam at Isa, dahil mapapanood na nga ang next chapter nila sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon, na palabas na ngayon sa mga sinehan, mula sa TBA Studios.

Bagay ang pelikula sa mga magkasintahan, mag-asawa, at sa mga naghiwalay na hindi na nagkabalikan pero umaasang may balikan, pero hindi na nga nangyari dahil nasaktan na sila.

Ayon kay Nicco, ang karakter niya bilang Sam ang pinakagusto niya, kumpara sa roles niya sa Mula Sa Buwan, Ang Huling El Bimbo, at Gusto Kita with All My Hypothalamus.

“We use mostly ourselves when we portray our characters. That’s why the movie is so authentic,” ani Nicco. “We tried to do the movie earlier, but we didn’t do it because Nestor felt we weren’t ready. Hindi pa hinog.

“The four years between Ang Kuwento Nating Dalawa and Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon really helped. Kita talaga sa screen kung paano kami binago ng panahon.

“Of all the characters that I played, dito talaga makikita si Nicco not just as an actor but also as a person. Kung ano ‘yung learnings namin sa four years na lumipas, makikita ‘yun sa pelikula. It really made Tayo and its theme of finding yourself after getting lost authentic and real,” kuwento ni Nicco.

Kuwento naman ng mang-aawit at aktres na si Vera: “I have high hopes that the movie will touch many people, that it will resonate with Filipinos. Because what we are doing is just the regular life of ordinary people who are flawed. There’s no huge plot twists. It is just regular lives.

“I feel like Filipinos should watch because they can identify with the film. I want people, after watching the movie, to reflect on their lives, their actions and how they affect the people around them. Hopefully, we’ll change a lot of people for the better,” dagdag ni Vera.

Ang awiting Huling Sandali ng December Avenue ang soundtrack ng pelikula, kaya malakas ang recall. Ang nasabing kanta ay kaagad na nag-trend kaagad sa loob ng 24 oras, at mayroon nang five million views sa YouTube.

-Reggee Bonoan