Nasa 24 na katao na umano’y sangkot sa pamimili at pagbebenta ng boto ang inaresto ng pulisya, ayon sa Philippine National Police.

NASA LISTAHAN BA PANGALAN MO? Dalawang araw bago ang eleksiyon, kanya-kanyang hanap ang mga botante sa kanilang pangalan sa voters’ list sa tanggapan ng Comelec sa Taguig City ngayong Biyernes. (ALI VICOY)

NASA LISTAHAN BA PANGALAN MO? Dalawang araw bago ang eleksiyon, kanya-kanyang hanap ang mga botante sa kanilang pangalan sa voters’ list sa tanggapan ng Comelec sa Taguig City ngayong Biyernes. (ALI VICOY)

Sinabi ni Major General Mao Aplasca, PNP Directorate for Operations, na isinagawa ang pagdakip ng iba’t ibang police unit sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Calabarzon (Region 4A), simula nang ilunsad ang election period noong Enero 13 hanggang ngayong Biyernes.

“We are sending a strong message that this time, we will take vote-buying seriously. To those planning [to engage], huwag na sila mag-attempt,” sinabi ni Aplasca sa mga mamamahayag sa Camp Crame.

Eleksyon

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying

Kasabay nito, kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Director John Rex Laudiangco na may 10 kaso ng vote-buying at selling na rin ang naihain sa Law Department ng komisyon.

“As of now, we cannot say na lumalala [situation] without having the cases filed yet. But the reports are coming in, dumarami, so we have to take it seriously. Hindi pwedeng maghintay lang kami,” ani Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco, ang vote-buying at selling ay isang election offense, alinsunod sa Article XXII, Section 261, paragraph (a) ng Omnibus Election Code.

“Election offense ito so imprisonment of one to six years coupled with accessory penalty of perpetual disqualification of holding public office. Pati civil rights to vote mawawala,” paliwanag ni Laudiangco.

Una nang sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez sa Manila Bulletin’s Kapihan sa MB forum nitong Biyernes na karamihan ng mga insidente ng vote-buying ay pasekreto kaya mahirap mahuli, bagamat may ilan ang high-tech na at gumagamit na ng online money transfers sa pamimili at pagbebenta ng boto.

“The online money transfers, I expect it’s possible right? But there is no practical means of monitoring it, at least not from the Comelec side,” ani Jimenez.

“For the bulk of the vote buying now, it’s still offline transactions,” aniya.

Samantala, inihayag din ng PNP at Comelec na activated na ang Task Force Kontra Bigay na mag-iimbestiga at lilitis sa mga mahuhuli at mapatutunayang bumibili at nagbebenta ng boto.

Para sa mga sumbong, tumawag lang sa PNP-National Election Monitoring Action Center (NEMAC) hotlines: 0916-330-9158 at 0947-520-7864.

-Martin A. Sadongdong, Mary Ann Santiago, at Minka Klaudia Tiangco