NAGING masaya ang special presscon na ibinigay ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa mga nanalo sa Rainbow’s Sunset, dahil sa aliw na kuwento nila tungkol sa pagdalo nila sa 52nd Worldfest-Houston International Film Festival sa Houston, Texas, last April 5-11, 2019.

Bumubuo ng 'Rainbow's Sunset'

Dumalo sa nasabing film fest sa Amerika ang producer ng Rainbow’s Sunset na si Ms. Harlene Bautista, si Direk Joel Lamangan, ang isa sa mga bida na si Tony Mabesa, Eric Ramos, at Ferdie Lapuz.

Isang magandang event ang nabanggit dahil for the first time, sinuportahan ng MMFF ang pagsali nila sa international film fest. Kasama nila sina MMFF Overall Chairman Danilo Lim at Executive Chairman General Manager Jojo Garcia sa Houston.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Nakakatawang nakakainis daw ang nangyari sa delegation sa gabi ng awards night.

“Ang ingay-ingay kasi sa venue, ang iingay ang Chinese delegation, na sila ang naka-focus ng gabing iyon,” kuwento ni Direk Joel.

“Kaya kami hindi namin alam na nanalo kami. Bumalik kami sa mga rooms namin na malungkot, dahil wala kaming natanggap na award. Mabuti na lang may nag-check sa list ng winners at sinabing nanalo raw ang Rainbow’s Sunset.

“Naroon naman iyong mga trophies namin, at nag-abutan na lang kami ng awards namin sa labas ng room, dahil paalis na kami papuntang airport dahil babalik na kami ng Pilipinas.”

Nagkatawanan pa nga raw sila dahil mali-mali ang mga spelling ng names nila. Si Tony Mabesa, na nanalong Best Actor, ay naging Anthony Maseva. Pero masayang-masaya sila dahil sa mga natanggap nilang awards.

Nasungkit ng Rainbow’s Sunset ang Special Jury Prize, it also bagged the Gold Remi Award for Best Story Innovation for scriptwriter Eric Ramos, at nag-tie na Best Actors sina Tony at Eddie Garcia.

Hindi pala nakasama si Eddie na mag-attend sa awards nights sa Houston, dahil hindi niya maiwanan ang sinu-shooting niyang movie sa Viva Films. Biniro tuloy si Eddie kung ano pa ang role na gusto niyang gampanan sa mga susunod niyang movies.

“Halos lahat naman ng roles nagampanan ko na, hindi ako tumatanggi sa ibinibigay nilang role sa akin dahil every role na gawin ko is a challenge for me. Isa na lang role siguro ang hindi ko pa nagagawa, that of a leading lady,” biro niya, na sinundan ng tawa.

Suportado rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), organizer ng taunang MMFF, ang Rainbow’s Sunset sa CinemAsia Film Festival in Amsterdam held last March.

Inihahanda na ni Eric Ramos ang script nila para sa coming MMFF 2019, titled Isa Pang Bahaghari, na gusto ni Direk Joel ay pagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor, at nina Christopher de Leon, at Tirso Cruz III.

-NORA V. CALDERON