NAKATUON ang programa ng Swimming Pinas – binubuo ng elite swimmers ng Philippine Swimming League (PSL) – na mabigyan nang mas mataas na antas ng pagsasanay at kompetisyon sa local at international para sa hangaring makalikha ng bagong bayani sa sports. 

IGINIIT ni Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh (ikatlo mula sa kaliwa) na inihanda nila ang programa para sa mga atleta na magbibigay katuparan sa kanilang mga pangarap na makaabot sa National Team level, habang nakikinig ang mga swimmers na sina (mula sa kaliwa)  Triza  Tabamo, Micaela Jasmin Mojdeh, Joan, Jules Mirandilla, Ken Lobos, Marc Bryan Dula at coach Virgie De Luna.

IGINIIT ni Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh (ikatlo mula sa kaliwa) na inihanda nila ang programa para sa mga atleta na magbibigay katuparan sa kanilang mga pangarap na makaabot sa National Team level, habang nakikinig ang mga swimmers na sina (mula sa kaliwa) Triza Tabamo, Micaela Jasmin Mojdeh, Joan, Jules Mirandilla, Ken Lobos, Marc Bryan Dula at coach Virgie De Luna.

Inamin ni Joan Mojdeh, team manager ng Swimming Pinas, na wala pang sapat na budget ang grupo, ngunit siksik-liglig sa talento ang mga miyembro na may malaking potensyal na makapagbigay ng karangalan sa bansa bilang mga miyembro ng National Team.

“Our mission is to give our elite swimmers a chance to reach their full potential through proper training and guidance. Of course we need resources, but right now, nagtutulong-tulong kaming mga parents para sa kanilang mga needs,” pahayag ni Mojdeh.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“Malaki po ang potential nang aming mga swimmers na makasama sa National Team in the future, hopefully makalangoy sila this coming Sea Games in December,” sambit ni Mojdeh sa kanilang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Kumpiyansa naman si coach Virgie De Luna sa mapabilang ang Swimming Pinas swimmers sa National Team, bunsod na rin ng ipinamalas na kahusayan ng mga ito sa nakalipas na Palarong Pambansa sa Davao City.

“All our swimmers won medals in just concluded Palarong Pambansa led by Micaela Jasmine Mojdeh who broke two junior national records and Marc Dula,” sambit ni De Luna.

Naitala ng 12-anyos na si Mojdeh ang bagong marka sa 200 meter butterfly sa bilis na 2:22.69 para lagpasan ang dating record na 2:25.21 ni Suzanne Vernon.

“Maganda po ang naging campaign nila sa Palaro, hopefully ma-improved pa for the coming National Finals ng Philippine Swimming Inc. Grand Prix,” sambit ni Mojdeh, patungkol sa serye ng torneo ng PSI kung saan gagamiting basehan para sa National tryouts sa SEA Games.

“Before this, we set to compete first in Canada next month, dagdag exposure po sa kanila,” aniya.

Nilinaw ni Mojdeh ang isyu ng pagsali ng Swimming Pinas sa PSI na aniya’y nabuo bunsod na rin ng pagpayag ni PSL president Susan Papa.

“Actually wala na pong isyu dyan. Malinaw po na kasama pa rin kami sa PSL as elite swimmers. Yung sa PSI moving up ng mga swimmers, dahil yung focus naming ngayon makapasok ang mga swimmers sa National Team” pahayag ni Mojdeh.

Bukod kina Mojdeh at Dula, kasama ring bumisita sa linguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, Community Basketball Associatgion at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde, ang iba pang miyembro ng Swimming Pinas na sina Julia Basa, Triza Tabamo, Marcus Dekam, Jules Mirandilla, John Neil Paderes, Jordan Ken Lobos, at Joco Delizo.

-Edwin G. Rollon