Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan si Bislig City, Surigao del Sur mayor Librado Navarro kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng isang construction equipment na aabot sa P14,750,000, noong 2012.

SUSPENSION (21)

Ikinatwiran ng anti-graft court, nahaharap si Navarro ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) na nag-ugat sa pagbili nito ng Komatsu crawler-type hydraulic excavator sa RDAK Transport Equipment, Inc. noong Hulyo 18, 2012.

Gayunman, sinabi ng Commission on Audit (COA) na ibinigay pa rin ng alkalde ang proyekto sa RDAK sa kabila nang hindi nito pagsunod sa technical specification ng engine power, bucket capacity at operating weight ng nabanggit na equipment.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil dito, naglabas ang COA ng Notice of Disallowance kaugnay ng naturang proyekto, noong Oktubre 23, 2012.

Natuklasan din ng COA na hindi iniharap ng RDAK ang specification ng nasabing unit sa isinagawang bidding.

"Accused Navarro is directed to cease and desist from further performing and/or exercising the functions, duties and privileges of the position of Mayor of Bislig, Surigao del Sur, or any other public office or position he may now be holding, effective immediately," ayon sa ruling ng hukuman.

-Czarina Nicole Ong Ki