HINIKAYAT ng opisyal ng Department of Health (DoH) ang publiko na unawain ang kondisyon ng mga taong nakararanas ng mga isyu sa kalusugang pangkaisipan.

ANXIETY

"Huwag po natin huhusgahan ang mga may mental health issues. Isipin po natin na parang kagaya lamang ito ng hypertension at diabetes kung mayroon tayong kakilala na may sintomas ng lumbay," lahad ni DoH Undersecretary Eric Domingo nang kapanayamin sa radyo kamakailan.

Sabi ni Domingo, ang mga Pinoy ay "embarrassed or scared to talk about their mental health concerns" at ang kamalayan tungkol sa isyu sa kalusugang pangkaisipan ay hindi pa laganap.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"Mas mabuti po na ang mga taong ito ay may kausap, dahil katulad po ng ibang sakit, lahat po ng ito ay may solusyon at gamot," sabi pa niya.

Ipinakita sa datos ng DoH na sa Pilipinas, 3.3 milyong Pilipino ang dumaranas ng depressive disorders, na may suicide rate na 2.5 sa kalalakihan at 1.7 sa kababaihan sa kada 100,000 indibiduwal.

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa apat na tao sa mundo ay naapektuhan ng mental o neurological disorders minsan sa kanilang buhay.

Iniulat ng WHO na 800,000 katao ang nagpapatiwakal kada taon.

Ilan lamang ang anxiety disorder, depression at psychotic illnesses sa napakaraming senyales na tutukoy sa isang taong nagdurusa sa mental health issues, ani Domingo.

"Those who don't have appetite, don't eat, can't sleep, have a lot of things in mind, always with fear, scared, sometimes becoming paranoid, thinking that people talk about them or gang up on them, and those who hear and see things other people don't hear and see like having hallucinations. They start from there and if we're unable to address them, they become big problems," sabi pa niya.

Kahit na ang pagkakaroon ng phobia ay karaniwan, sinabi ni Domingo na "having debilitating phobias could be a sign of mental health problems".

Dagdag pa niya, ang malalang homesickness at "feeling heartbroken" din ay nauuwi sa mental health issues, maging sa pagpapatiwakal.

“Suicide is a big problem now worldwide, especially in young people aged 15 to 25 years old, due to depression or lack of hope. This is the second leading cause of death in the world, around 800,000 youths die of it," sabi niya.

Para tulungan ang mga taong nakararanas ng mental health problems, naglunsad ang DoH ng hotline kung saan maaari silang makipag-usap sa mga counselor para makahingi ng payo o referral sa ibang mga propesyunal o ospital na malapit sa kanila.

"You can call at 0917-899-USAP OR 989-USAP.There are many callers, some are as young as 12 and 13 years old and there are also senior citizens who are prone to depression or are sick and weak who call. Very wide is the variety of our callers. Usually, there are many callers during night time," sabi pa ni Domingo.

Ang linya ay bukas 24-oras, araw araw.

PNA