Ipinangako ni Manila mayoralty bet Francisco "Isko Moreno" Domagoso na sasagipin niya ang "deteriorating" na kalagayan ng lungsod sa pagtatayo ng mas maraming proyektong pangkalikasan at mas maraming lugar na pahingahan, kapag nahalal siya sa Lunes.

Ex-Manila Vice Mayor Isko Moreno (Albert Garcia)

Ex-Manila Vice Mayor Isko Moreno (kuha ni Albert Garcia)

"We need to maximize the limited land space and we need to catch up with other Metro Manila cities that have been constructing commercial and modernize hubs," sinabi ng dating aktor, nang isalang ngayong Huwebes sa MBHotSeat forum ng Manila Bulletin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iminungkahi ng dating bise alkalde na magtayo ng hybrid city development perspectives mula sa Singapore, na makatutulong na mapaunlad ang Maynila nang hindi kumakain ng labis na espasyo.

Kabilang sa kanyang mga proyekto ang pagtatayo ng bagong city hall sa Liwasang Bonifacio upang magkaroon ng sapat na espasyo ang mga empleyado, habang ang makasaysayang city hall ay gagawing museum, cultural at retail center.

“I will build a new city hall. But it will not look modern. It is modern in terms of technology and structure. But in design, I would rather go back in history,” aniya.

Ang isa pang proyekto na kanyang isiniwalat ay ang Manila Skydeck, isang elevated walkway na katulad ng OCBC Skyway ng Singapore’s Gardens by the Bay.

Ito ay itatayo sa Roxas Boulevard, sa tapat ng Malate Church at Rajah Sulayman grounds.

Para sa mga informal settlers, magtatayo siya ng in-city vertical housing units.

Plano niyang magtayo ng commercial structures para sa mga street vendors sa Divisoria, Binondo at C.M. Recto, upang maiwasan ang trapiko.

Tutol din si Moreno sa reklamasyon ng Manila Bay dahil ang Binondo at Escolta ay maaaring mabago upang mapaunlad ang Maynila.

Ipinangako rin niya ang pangangalaga sa Arroceros Forest Park, kung saan nais ng kasalukuyang administrasyon na magtayo ng gym para sa Unibersidad de Manila.

-Erma R. Edera