NAKATAKDA nang simulan sa probinsiya ng Quezon, partikular sa bayan ng Candelaria, ang pagtatayo ng pinakamalaking pabrika ng steel wire-rod sa mundo matapos ang isinagawang groundbreaking ng Steel Asia’s processing complex sa Barangay Malabanban Sur sa nasabing bayan.
Mainit na sinalubong ni Governor David Suarez ang mga investors ng Steel Asia, ang isa sa pinakamalaking steel manufacturing firms sa bansa para sa pagpili nito sa probinsiya bilang lugar ng pamumuhunan na maaaring makatulong sa Quezon upang higit pang kilalanin bilang “Calabarzon’s fastest growing economy”, base sa National Economic Development Authority (NEDA)-Calabarzon regional office.
“We welcome you, thank you for coming to Quezon Province. This is a good way of ending my term in June. At least, I’m ending my term in a high note that we were able to usher in a new chapter of development and provide greater hope for Quezonians who have to look for jobs and opportunities in other regions and other provinces,” pahayag ni Suarez sa Steel Asia investors sa seremonyal na pagsisimula ng konstruksiyon ng pasilidad, kamakailan.
Aniya, matagal nang bahagi ito ng provincial government master development plan para gawing isang commercial industrial area ang ikalawang distrito, habang ang tatlo pang distrito ay paunlarin bilang isang agri-industrial sector.
“At least, we can tell them, in the next few years, that the jobs could be generated right here in Quezon province, especially in this town of Candelaria,” ani Suarez.
Pagbabahagi pa ng gobernador, makatutulong ang wire-rod manufacturing facility para sa provincial development and investment, tulad ng tollway at road (TR4) extension project, processing plants, industrial parks, at iba pa.
Pinasalamatan din niya ang Steel Asia para sa ibinigay nitong tiwala sa probinsiyal na pamahalaan bilang lugar at bahagi ng kanilang hangarin na magkapalabas ng higit dalawang milyong tonelada na ‘processed steel bars’ kada taon.
Nagbahagi naman ng pasasalamat si Benjamin Yao, na tubong Lucban, Quezon at chief executive officer ng Steel Asia, para sa kooperasyon at suporta ng probinsiya ng Quezon at ang bayan ng Candelaria para sa proyektong pasilidad.
“The Province of Quezon, the Municipality of Candelaria and the barangay of Malabanban-Sur will be home to the most precise, most efficient and most environmentally friendly wire-rod manufacturing facility in the world. This is something we should be proud of,” ani Yao.
Pagbabahagi nito, inaasahang nilang lilikha ng iba’t ibang opurtunidad para sa Candelaria at buong lalawigan ang proyekto lalo na sa usapin ng trabaho at kita para sa lokal na pamahalaan.
“It will create many business opportunities to support operation. It will create small and medium enterprises. We expect many of these new businesses will be formed by Candelaria’s entrepreneurs — whom one day maybe global exporters,” dagdag pa niya.
Sasakop ang wire-rod manufacturing plant sa 32 ektaryang lupain at inaasahang tatanggap ng higit 1,500 manggagawa hindi lamang mula sa bayan ngunit sa mga kalapit din itong mga lugar.
PNA