CEBU CITY – Mula sa P6.50, ang minimum na pasahe sa jeep sa Central Visayas ay P8 na ngayon.

PASAHE_ONLINE

Ipinatupad na ang taas-pasahe matapos na aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon na inihain ng isang transport group nitong Abril.

Sa ilalim ng ilang kondisyon, maaaring ibalik ang dating singil sa pamasahe, ayon kay Eduardo Montealto, regional director ng LTFRB sa Region 7 (LTFRB-7).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"It can be reverted if there is a drastic drop in fuel prices. If fuel prices return to what it was some time in November and December, we can recommend reversion," ayon kay Montealto.

Inaprubahan ng LTFRB ang taaas pasahe sa ilalim ng Resolution No. 92 series of 2019. Ito ay nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra at kanyang mga board members nitong Abril 24.

-Calvin D. Cordova