INILUNSAD ang Miss Philippines 2019 pageant kahapon na hindi lamang magtutuon sa likas na ganda, talento at talino ng mga Pinay ngunit naglalayon ding itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa kultura, sining at tradisyon sa bansa.
Ayon kay Francisco Z. Blanco Jr., may-ari at direktor ng Miss Philippines Foundation, Inc., ipahahandog ng timpalak ang kakaibang ganda ng isang Pinay at ang pagkakaiba-iba ng socio-cultural heritage ng mga rehiyon sa Pilipinas.
“We will select talented and lovely Filipinas from all over the country who will represent the different cities and municipalities who will come together to share for a common purpose,” ani Blanco.
Dagdag pa niya, ang paglulunsad ng Miss Philippines pageant ay hakbang bilang tugon sa panawagan ng gobyerno na i-promote ang turismo, kultura, at sining sa mga sambayanang Pilipino.
“The Miss Philippines pageant is a great platform where candidates can better prepare themselves for international beauty pageants,” sabi pa ni.
Ang Miss Philippines pageant ay produced ng Amistad Media Productions. At ang grand coronation ng timpalak ay gaganapin sa Resorts World Manila sa Pasay City sa September 28.
-ROBERT R. REQUINTINA