Uulanin ang malaking bahagi ng Luzon, na epekto ng dalawa sa tatlong low pressure area malapit sa bansa.

(AFP PHOTO / Ishara S. KODIKARA)

(AFP PHOTO / Ishara S. KODIKARA)

Tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang LPA malapit sa Luzon—ang una ay nasa 195 kilometro sa timog-kanluran ng Sinait, Ilocos Sur; at ang pangalawa ay nasa 335 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Sinabi ni Ezra Bulquerin, weather specialist ng PAGASA, na ang malawak ulap na dala ng mga LPA na ito ay magpapaulan sa ilang lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla

Ang ikatlong LPA ay tinatayang nasa 1,120 kilometro sa silangan ng Mindanao, o nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR), at walang direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, posible ang pag-uulan sa mga lugar sa Visayas and Mindanao.

Tiniyak naman ni Bulquerin na malabong mga ganap na bagyo ang alinman sa tatlong LPA.

Sa kabila nito, nagbabala siya sa posibilidad ng baha at landslides sa mabababa at kabundukang lugar sa bansa, partikular na kung may kalakasan ang ulan.

-Ellalyn De Vera-Ruiz