Kinansela ni Senador Panfilo "Ping" Lacson, chair of the Senate committee on public order and dangerous drugs, ang imbestigasyon sa "Totoong Narcolist" videos.

BIKOY_ONLINE

Ito ay ipinahayag ni Lacson ilang sandali matapos na ipahayag ng IBP na tinanggihan nila ang hiling ni Bikoy na free legal assistance.

Nagdesisyon si Lacson matapos na magduda si Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa kredibilidad ni Advincula, na sinabi niya iniugnay si dating Pangulong Benigno Aquino III at dating mga opisyal sa ilegal na droga noong 2016.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"SP Sotto said it all. We are now recalling the letter of invitation sent to Advincula yesterday," ani Lacson sa kanyang Twitter account.

"Notices will be sent out for the cancellation of the committee hearing on Friday. Enough of this nonsense," dagdag niya.

Sa panayam sa Radio DZBB, naniniwala rin si Lacson na hindi na kailangan imbestigahan ang isyu dahil malinaw na gawa-gawa lamang ang alegasyon ni Advincula.

"Papatulan pa ba natin? Napaka-glaring ang alam natin na gawa-gawa talaga," diin niya.

"Ang isang pagkakamali ni Bikoy ang paglantad niya. Siguro kung nanatili siyang anonymous, nagtago na lang as alias Bikoy at nanatiling nakakanlong, 'di nagpakita, 'di siya mamalasin nang ganito," ayon sa senador.

Sinabi niya na mabuti na lamang ay naitagao ng Senate President ang mga file at affidavit na isinumite ni Advincula noong 2016, at naikumpara sa mga dokumentong itinampok sa kanyang YouTube videos.

"Binaligtad (niya). Mga pangalan lang. Cast of characters lang pinalitan. Pero masasabi ko rin isang pagkakamali niya, trabahong tamad. 'Di na nagbago ng identity code.

"Kung makikita ninyo kanina identity code ni Paolo Duterte pareho rin ang identity code na ginamit sa 2016 sa ibang tao naman, 0029 Alpha Sierra binaligtad lang niya Sierra Alpha. So medyo trabahong tamad, 'di masyadong nag-isip. Akala niya he can get away," dagdag ng senador.

"Wala na (hearing). Mag-send out na notice na kina-cancel ang pagdinig at wala nang pagdinig na pangyayari tungkol sa issue na nilabas ni Bikoy. It doesn’t make sense," diin ni Lacson.

ULTIMATUM

Kakasuhan si Bikoy ng inciting to sedition sa oras na mabigo siyang magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsampa ng kaso laban sa pamilya ni Pangulong Duterte at kay Christopher “Bong” Go hinggil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa narcotics trade, babala ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

“The NBI is waiting for Advincula/Bikoy to show up and submit his complaint with supporting evidence against the persons he implicated in the illegal drug trade,” aniya.

“Should he fail to do so, the DOJ will consider his possible inclusion in Rodel Jayme's inciting to sedition case or indictment for other criminal charges after proper investigation,” dagdag niya.

-Hannah L. Torregoza, Mary Ann Santiago, at Jeffrey G. Damicog