Natalo man si Rockie Bactol sa kanyang unang laban sa ONE Championship ay hindi siya napanghinaan ng loob.

Na-TKO siya ni  Akihiro “Superjap" Fujisawa sa pangatlong round sa ONE: CONQUEST OF CHAMPIONS noong Nobyembre na nagpawala ng hype tungkol sa una niyang laban.

“I learned a lot of things when I lost to Akihiro. These things gave me added motivation to become a better mixed martial artist and to succeed in this sport,” sabi ni Bactol.

“I’ve been training very hard to improve every aspect of my game, especially my cardio. I’m a very positive person, and I know that I can come back to my winning ways.”

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Si Bactol, isang MFC Bantamweight Champion, ay hindi nagdalawang isip sa kanyang mga abilidad kahit pa natalo siya ni Fujisawa.

“Not everyone is destined to be successful, but you always have the option to become [successful] if you want to. It’s all about your determination,” paliwanag niya.

“I have a great career ahead of me. The loss will make me a better competitor moving forward.”

Para sa kanya ay kailangan niyang pagbutihin ang kanyang mentalidad, lalo na kapag nagiging mainit ang laban sa loob ng ring.

“I learned that I must have a strong mind in the cage no matter what happens,” sabi niya.

“If I know that I'm losing and I feel exhausted, I must have that strong mind to keep on going like it's my last fight.”