PINAWALANG-bisa ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang Certificate of Candidacy ni Edu Manzano para kongresista ng San Juan City.
Ayon sa inilabas na resolution ng Comelec nitong Lunes ng gabi, hindi napatunayan ni Edu ang kanyang citizenship, na isang mahalagang katibayan para sa mga tumatakbo sa anumang posisyon sa bansa.
“Without direct proof of his oath of allegiance being registered in the local civil registry in the place where he resides, respondent cannot be considered to have reacquired his Philippine citizenship under our laws,” saad sa resolusyon.
Ayon sa media reports, nagkasala raw si Edu dahil sa “false material representation on his citizenship”. Hindi raw nakapagbigay ang aktor ng konkretong katibayan ng kanyang “oath of allegiance to the Philippines”.
Ipinanganak si Edu ng kanyang Filipino parents sa California, USA, noong September 1955, kaya siya ay parehong citizen ng Amerika at Pilipinas.
Nakasaad pa sa desisyon na nagsilbi rin si Edu sa US Armed Forces bago bumalik sa Pilipinas noong 1990.
Kahit daw naging kandidato si Edu sa pagka-vice mayor sa Makati noong 1998, p a g k a - m a y o r s a Makati rin noong 2001, pagka-vice president noong 2 0 1 0 , a t p a g k a - s e n a d o r n o o n g 2013, hindi pa rin daw maituturing na Filipino citizen ang aktor nang nag-file siya ng COC sa pagka-congressman ng San Juan.
Ang katunggali ni Edu sa San Juan ay si incumbent Rep. Ronaldo Zamora.
Maaari pa naman daw iapela ni Edu ang desisyon ng Second Division sa Comelec en banc, at kalaunan ay sa Supreme Court.
-ADOR V. SALUTA