PINABAGSAK ng Che’Lu Bar and Grill ang Ironcon-UST, 92-80, nitong Lunes para panatilihing buhay ang kampanya sa playoff ng 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.
Hataw si Rey Suerte sa natipang 27 puntos, tampok ang krusyal baskets sa 19-0 fourth quarter run para hilahin ang manipis na bentahe sa 89-66 abante may 3:07 ang nalalabi sa laro.
Nag-ambag si Gab Dagangon ng 17 puntos at tatlong rebounds, habang kumana si Alfred Batino ng 14 puntos at anim na boards.
“This is a must win,” pahayag ni coach Stevenson Tiu.
“Sabi ko sa players, if we lose today, parang scrimmage na lang yung last two games. If you still want to play in the playoffs, you have to play hard today.”
Bunsod ng panalo, nabuhay ang tyansa ng Revellers para sa nalalabing slot sa top four ng Aspirants Group tangan ang 4-3 karta, habang ipinatikim sa Growling Tigers ang ikalawang kabiguan sa pitong laro.
Sa unang laro, ginapi ng Perpetual, sa pangunguna nina Tonton Peralta at Edgar Charcos, ang CD14 Designs-Trinity, 86-75.
Hataw si Peralta sa naiskor na 33 puntos, limang rebounds, at apat na assists, tampok ang krusyal na opensa para sandigan ang Altas sa 22 puntos na bentahe sa third period.
Kumubra naman si Charcos ng 15 puntos, walong rebounds, at apat na assists.
“Medyo depleted ang lineup but I’m still proud of the guys,” pahayag ni coach Frankie Lim. “They’re given the playing time and na-maximize naman nila. Good for them, good learning experience for the team.”
Iskor:
(Unang Laro)
Perpetual (86) -- Peralta 33, Charcos 15, Razon 12, Egan 12, Pasia 8, Cuevas 3, Labarda 2, Martel 1, Lanoy 0, Sese 0, Tamayo 0.
CD14 DESIGNS-TRINITY (75) -- Tayongtong 20, Balucanag 18, Mabayo 13, Montero 8, Dela Cruz 6, Vitug 4, Tadeo 3, Medina 3, Juanico 0, Chua 0, Ingel 0, Juico 0.
Quarters: 20-16, 40-20, 64-49, 86-75.
(Ikalawang Laro)
CHE’LU (92) -- Suerte 27, Dagangon 17, Batino 14, Viernes 12, P. Manalang 7, Collado 5, Gabo 4, Taganas 2, Bautista 2, Siruma 2, Bringas 0, Dumapig 0.
IRONCON-UST (80) -- Concepcion 24, Chabi Yo 18, Abando 16, Nonoy 9, Paraiso 6, Ando 2, Lee 2, Huang 2, Pangilinan 1, Asuncion 0, Bataller 0, Yongco 0, Herrera 0, Marcos 0.
Quarters: 22-17, 44-39, 70-63, 92-80.